Martes, Enero 3, 2017

BUOD NG ROMEO AT JULIETA
Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montesco at SenyoraMontesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga na may panantang magingdalaga habang siya ay nabubuhay pa na kaya’t hindi nito.
Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio atkaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulleto. Pumayagnaman si Romeo nang mapag-alaman nitong ddalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ngmga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway ng kanilang angkan, na sila Senyor atSenyora Capuletto.
Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batidna sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. At dahil ditonagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lozenzo, ang padre kumpesor ni Romeo.
Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito ay nasawi siMercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at naging dahilan ng kanyang paghihiganti,dahil sa kanyang paghihiganti. Napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang Romeongunit ang naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.
Sa pamamagitan ngkasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunitsa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capuletto si Julieta kay Konde Paris upang silaay mapag-isang dibdib. Tutolsi Julieta dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lozenzo upanghindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Julieta ng likidong pampatulog upangang naghihinagpis na binibi ay magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras.
Naipabalita kayRomeo na si Julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar. Dahil dito bumili si Romeo sa isangmatandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona.Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindipatay si Julieta. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Julieta at nangmakita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Julieta ay ininom niya agad ang lason. At bago nangyari angpagpanaw ni Romeo ay nagising si Julieta at natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sapaghihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang buhay si Romeoupang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si Julieta dahil may mga tanod napaparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod aynakakita si Julieta ng isang balaraw at siya ay nagpakamatay.